Linggo, Hulyo 24, 2011

“The Family that Prays together, Stays together.”


“The Family that Prays together, Stays together.”

Para sa akin nakakainspired yung quotation na ito. Ang sarap kasi sa pakiramdam na buo ang pamilya. Kahit na mahirap at kulang sa kaginhawahan sa buhay, may mga pamilya kasing kahit ang dami ng pinagdaraanan o maraming pagsubok sa buhay sama-sama nila itong hinaharap at nagtutulong-tulong  sila para hindi sila matibag o magkahiwahiwalay.
Ang aking pamilya ay hindi ko masasabing nagging matatag noong mga panahong may dumating pagsubok sa amin. Sa aking pagkakatanda anim na taong gulang ako noon ng nagkamulat sa mundong ito na lagging umiinom ang aking ama,madalas siya noong nakikipag away,hindi ko alam kung ano ang  dinadala niya problema noon dahil bata pa ako. Pero nang dumating ang isang malaking pagsubok sa aming pamilya, ginimbal nito ang buhay naming lahat. Walong taong gulang palang ako noon ng hindi naming inaasahan ang pagkamatay ng aking kapatid, sobra kaming nalungkot noon para kaming pinagsakluban ng langit at lupa. Masasabi kong ang pangyayari nay un ang hindi naming inaasahang lahat. Sa ngayon nakarecover na kami sa pangyayari, pero hindinh hindi naming siya nakakalimutan kahit walong taon na ang nakakalipas. At kahit kalian hinding hindi namin magawang ang kalimutan ang isang tulad niya sa aming buhay.
Ngayon dahil siguro sa mga nangyari o dahil sa mga pagsubok na dumating sa amin unti-unting nagging buo an gaming pamilya, ngayon Masaya kaming magkakasama-sama tuwing may okasyon at tuwing oras ng bonding n gaming pamilya.
Proud akong ipakilala ang aking pamilya. Dahil kahit ano ang mga nangyari hindi  kami pinabayaan ng Diyos. Malugod konhg pinakikilala ang aking ama na si Eugenio P. Dela Cruz, wala man akong mailagay na larawan niya, masaya ako dahil naging ama ko siya, tinaguyod niya kaming pamilya niya kahit ang trabaho niya ay isang tricycle driver, alam nating lahat na mahirap ang trabaho nay un dahil maghapong nagahahanapbuhay ang aking ama para sa amin. Ang aking ina naman ay si Gloryphine A. Dela Cruz. Gusto kong maging isang ina na katulad niya,maalaga,mapagmahal sa mga anak at hindi kami pinababayaan. At malugod kong pinapakilala ang aking apat na kapatid na sina Zyra A. Dela Cruz ang panganay sa aming lahat. Haydee DC. Casamis na may asawa na at dalawang anak, kahit na maaga siyang nakapag-asawa sa edad na labing pitong taong gulang masasabi kong mapalad siya dahil maganda ang nagging buhay niya ngayon sa piling ng kaniyang asawa at alam kong mahal na mahal siya nito. Si Allen A. Dela Cruz naman ang aking nag iisang kuya. At si Jinggle A. Dela Cruz ang namayapa kong kapatid na aking sinundan. At ako ang bunso, masaya ako dahil sila ang naging kapatid ko, lagi nila akong iniintindi dahil bunso ako. At alam kong mahal nila akong lahat.
Ito ang kuwento ng aking pamilya… :)

Sino ako?


               
                     Isang babae na galing sa isang simpleng pamilya. Lumaki na busog sa pagmamahal ng mga magulang at mga kapatid. Pinalaki ng mabuti, mapagmahal at may takot sa diyos. Makikitang masayahin at palakaibigan. Pero may malaki akong tanong sa aking sarili. Sino ako? Such a thrilling question to answer. Hindi ito madaling sagutin tulad ng isang resume sa isang job application, mas mahirap ito kesa sa pagsagot sa isang slum book-kahit na may pagkakahalintulad ito. Sino ako? Ano ang mga kakayahan ko? ano... saan.. paano? maraming tanong, one after another.
                          We'll, ako si Jackilyn A. Dela Cruz. Labing pitong taong gulang. Nakatira ako sa  Barangay Bakero Cabanatuan City. Nag aarala ako sa  Central Luzon State University sa kursong Bachelor of Science Information Technology. Yun lang. Pero sa information na ito nasagot ba ang tanong na sino ba talaga ako? Siyempre hindi.
                    Noong ako ay bata pa, ang alam ko lang sa sarili koa ay hindi ako matangkad pero may angking talino ako, dahil yun ang sabi ng mga taong nakapaligid sa akin. Nang tumanda ako sa edad na siyam na nasa Gr.3, napagtanto ko na kelangan kong mag aral mabuti, basta ang alam ko ay anak ako ng mga magulang ko, pinanganak para pagsilbihan sila at ang pangarap ko ay maging proud sila sa akin. Para akong isang programmed machine na ang trabaho ko ay mag aral, matulog, kumaen at mabuhay. Ou, may kalayaan ako para maglaro at ienjoy ang panahon ng pagiging bata ko.
                  Buhay ng high school, ay katulad ng isang bagong buhay para sa akin. Bagong kaibigan at bagong emosyon na kailangan kong ihandel, pero isa ang sinisigurado ko, maraming pagsubok ang darating. Sa unang hakbang sa bago kong buhay, hindi parin ako kuntento kung sino talaga ako at para saan ako nabubuhay, pero ang importante sa akin sa mga oras na yun ay kailangan kong mag aral mabuti upang makapagtapos at makapagkolehiyo upang maabot ang aking mga pangarap.
                    Ngayon ang pagtungtong ko sa kolehiyo ay nakadama ako ng excitement, dahil alam ko balang araw maabot ko na ang mga pangarap na matagal ko ng gustong marating at maabot. Sa pagdating ng panahon sana mkilala ko ng mabuti kung sino talaga ako sa mundong ito.
                                Yan ang aking buhay... :)