Maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang upuan. Alam naman natin na ang upuan ay may apat na paa, upang maging matatag at matibay. Pinipilit nitong maging matatag kahit na gaano kabigat ang umuupo sa kanya, kahit na ang iba ay pilit siyang sinisira, binababoy, hinahagis hindi parin ito madaling masira dahil pinipilit niyang maging buo kahit na ito ay walang buhay. May iba na dahil sa upuan lang ito hindi nila ito binibigyan ng importansya.
Kaya masasabi kong bilang isang bagay ako ay isang upuan dahil kahit na gaano kadaming pagsubok ang dumating sa akin hinaharap ko ito at nagkakaroon ako ng karanasan na nagbibigay katatagan sa akin. Marami mang gustong sumira sa akin hindi ako pumapayag na apak-apakan lang ako ng ganoon ganoon lang. Minsan may mga tao ding hindi ako binibigyan ng importansya pero kahit na ganoon hindi ako sumusuko sa buhay...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento