PANGARAP. Sabi nila libre ang mangarap. Bata pa lang ako pangarap ko nang yumaman. Sino ba naman ang hindi papangarapin yun? Lumaki ako sa hirap na nagging kontento sa buhay,hindi nagkulang sa pangangailangan tulad ng damit,pagkain at kung ano anong mahahalagang bagay. Pero minsan kinakapos an gaming pamilya. Kaya di naman maiiwasan na maghangad tayo ng mas higit pa doon di ba? Ako kasi kahit na bata ako pinangarap ko talagang yumaman.
Sampung Taon mula ngayon, pangarap ko pa rin ang yumaman. Magkaroon ng maganda at masiglang buhay. May magandang bahay, magarang kotse at mga negosyo. At ang maitaguyod ko ang aking mga magulang, masuklian ang kanilang paghihirap na ako’y makapagtapos ng pag aaral. At matupad ang lahat ng aking mithiin. Syempre dahil yun sa aking pagsisikap.
Sampung taon mula ngayon gusto kong magkaroon ng sariling pamilya. Pamilyang masaya at masagana sa lahat ng bagay at hinding hindi mabubuwag. Gusto ko ng pamilyang makakapitan ko sa lahat ng oras ng may dumating na problema. Kaysarap isipin na sampung taon mula ngayon ay magkatoto lahat ng iyan.
Yan ang pangarap ko sampung taon mula ngayon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento