Lunes, Agosto 8, 2011

ANG AKING CRUSH



 Crush na nagsimula sa simpleng pagkikita, nagkakilala dahil sa isang kaibigan. Nakadama ako ng paghanga at kagustuhang makilala siyang mabuti. Hanggang sa kami ay maging magkaibigan. Isa siyang simpleng lalaki, inaamin kong hindi siya kaguwapuhan pero mabait, matulungin at kahit sa simpleng bagay lang ay napapangiti at napapatawa niya ako. Noong una alam kong isang pagkakamali ang  magkagusto sa kanya dahil mayroon siyang kasintahan at mayroon din ako. Tinanggap ko yun kaya inilihim ko nalang ang aking nararamdaman dahil masaya naman ako sa pagiging magkaibigan namin. Pero dumating ang araw na nagtapat siya sa akin na mayroon siyang nararamdaman at gusto niya ako, siyempre nakadama ako ng saya pero pinigilan ko yun kasi ayokong makasakit ng kapwa ko babae, kaya sabi ko sa kanya paglibre na siya at pagwala na rin kami ng kasintahan ko saka niya ako balikan.
            Pagkaraan ng isang buwan pareho na kaming malaya at doon nag-umpisa ang kanyang panliligaw at naging kami. Ngayon siyam na buwan na kaming magkasintahan, kahit maraming problema o pagsubok na dumarating sa amin masaya at matatag parin ang aming relasyon. Malugod kong pinakikilala ang aking kasintahan at hanggang ngayon ay aking crush na si Marppie Jay V. Enad


1 komento:

  1. Spade-for D Escape Titanium - The ITanium Art
    Spade-for D 2018 ford fusion hybrid titanium Escape Titanium is an all-in-one VR/AR game, titanium sheet which is a side-scrolling, 출장안마 mini-games titanium band ring game, featuring the full game library! Rating: 4 · ‎1 titanium bar stock review

    TumugonBurahin